Cheers!

2008 used to be my most memorable year. That year I turned 18 and took charge of my life. I gambled in love (CHOS), joined my Sorority, and made so many major decisions. Turning 18 made me walk out of my comfort zone. Looking back at my year end blog entry in 2008, I can still feel the weight of everything I went through that year and the meaning of all the realizations I made.

Now I’m proud to say that 2011 just topped 2008 as the most memorable year in my awesome life. :)

Grabe ang ginawa ng 2011 sa akin. Isang malaking apir ang gusto kong ibigay kay 2011 para sa lahat ng ibinigay niya sa aking karanasan at aral buong taon.

Wala nang mas titindi pa sa kalamay ng emosyon na naramdaman ko noong 2011. Unang kalahati ng taon, unti-unti akong binuhat ni 2011 paakyat sa langit ng ligaya. Mabagal ang pag-akyat noong umpisa dahil sa hirap ng thesis. Pero walang pagsidlan ang tuwa ko nang tuluyan kong nahawakan at nalasap ang mga bituin noong natapos ko ang thesis ko at grumaduate ako nang may karangalan. Akala ko hanggang sa ulap lang ako dadalhin ni 2011 eh. Pero may bonus trip to the stars pa talaga. Sarap!

Hindi pa natapos doon, binigyan niya ako agad ng trabaho na kahit hindi ko tinanggap eh nag-assure naman sa akin na hindi ako mahihirapang humanap ng pagkakakitaan para di na maging palamunin sa bahay. Haha. Saya!

Di pa nakuntento si 2011. Yung taong hinintay ko ng limang taon, dinala niya din para makasama ko. Anak ng tokwang may toyong manamis-namis pa. Sino ba namang hindi bubulwak ang ligaya sa katawan hindi ba?

Yun yung isa sa mga pagkakataon sa buhay ko na nasabi ko talaga na kumpleto na ako. Meron akong masaya at buong pamilya, hanep na mga kaibigan, diploma mula sa UP, at meron akong “siya”. Nag-span mula kalangitan hanggang kailaliman ng dagat ang hair ko noon. Palong-palo sa panalo.

Pero dahil sabi ni 2011 masyado na daw mahaba ang buhok ko, kinuha niya “siya”. Sabi ni “siya”, you deserve someone better. Sabi ko naman, oo nga. Fine. Tinanggap ko. At hinangad ko na lang na parehas kaming maging maligaya.

Ngunit itong si 2011 maloko talaga. Kinuha na nga “siya”, nanraydor pa. Pucha. Tinulak ako sa bangin. Yung akala kong paglisan ni “siya” may dahilan pala. May iba pala “siya”. Patay. Palong-palo sa talo.

Dahil ayokong magpatalo kay 2011, nagpakalango ako sa trabaho. Mula noon, onti-onti nang kumalas yung pagkakahawak ko sa shining, splendid stars of the sky at tanging pinanghawakan ko na lang ay ang pansarili kong kagustuhan na makalimot at yun nga, magtrabaho para umasenso.

Naging ganoon ang kwento hanggang natapos ang taon.

Ngayon ang tanong, mula sa kalangitan ba eh lumagapak ako sa lupa?

Hindi.

Dahil patuloy akong binuhat ng mga taong mahal ko at mahal ako.

Salamat kay 2011 dahil hindi man ako laging panalo eh panalo naman ako sa mga taong pumapaligid sa akin. Hindi ako bumagsak kailanman dahil sa suporta, pagmamahal, at pagtanggap ng mga magulang, pamilya, at kaibigan ko. Talo man sa ibang aspeto, panalong-panalo naman ako sa mga taong ito.

Hindi ko malilimutan si 2011 kasi binigyan niya ako ng maraming dahilan para magpasalamat. Pati yung mga kabiguan ipinagpasalamat ko dahil madami akong natutunan. Walang pagsisisi. Hindi man lahat ng desisyon nasa hulog, lahat naman ng nangyari may malalim at mas malaking kabuluhan.

Noong nakaraang taon, ang buhay ko ay naging parang isang coloring book. At si 2011 ang 64-set na Crayola na nagbigay-kulay dito sa paraang mind-blowing talaga. Buong pagmamalaki kong sasabihin na nalagpasan ko ang 2011 na may baong aral na wagas sa halaga.

Sa ngayon, inumpisahan ko ang 2012 hindi sa kabonggahan ng langit o sa kaemohan ng lupa. Andito ako sa pwestong sakto lang. Kaya mas nasasabik ako sa mga araw na darating. Dahil alam kong ibang kwento at gimik naman ang dala ni 2012.

Sana ngayong taon, maging parang coloring book pa rin ang buhay ko. Pero sana 128-set na Crayola na tong si 2012. Syempre mas makulay, mas masaya.

Kaya 2012, tara na. :)