" Ang pagbitaw ba ay tanda ng pagsuko? Ang paglimot ba ay tanda ng pagkatalo? Hangad ba nating magkawalay? Hangad ba nating mawala?
Hindi, dahil minsan, nais lang naman nating tumayo para sa ating sarili. Sapagkat sinusubukan nating maging matatag.
Hindi, dahil hindi nakalilimot nang hindi nagwawagi. Sapagkat ang pag-alala ay isang tunggalian.
Hindi, dahil nais lang naman nating muling magkita. Sapagkat ang muling pagkikita ay laan lamang sa mga nagkakawalay.
Hindi, dahil nais lang naman nating magpahanap. Sapagkat walang paghahanap kung walang pagkawala.